Miyembro ng Indigenous People (IP) na kilalang tumutulong sa mga agtang mag-aaral ng elementarya sa bayan ng Lasam Cagayan, bumisita sa tanggapan ni Vice Governor Melvin K. Vargas Jr. upang ibahagi ang kaniyang kwento.
Si G. Danny Lazo ang kauna-unahang miyembro ng IP dito sa Probinsiya ng Cagayan na nakapagtapos ng Kolehiyo na may kursong Bachelor of Elementary Education sa St. Paul University Philippines. Simula 2009, siya ay naging konektado sa National Commission on Indigenous Peoples upang protektahan at paigtingin ang karapatan ng mga kasama niyang miyembro ng IP.
Kaugnay nito, sa kagustuhan niyang makapagtapos din ang mga kapatid niyang agta, gumagawa si G. Lazo ng mga aktibidades upang suportahan ang kanilang pag-aaral. Nag-aabot ito ng mga food supplies sa mga kabataan sapagkat naniniwala siyang ito ay isa sa mga rason kung bakit hindi nakakatutok sa pag-aaral ang mga kabataan dahil sa kagutuman.
Dahil dito, nangako ang Bise Gobernador Vargas na sa abot ng kaniyang makakaya ay tutulungan niya ang programa ni G. Lazo.
“Tulad ni G. Lazo, naniniwala rin ako na edukasyon ang makakatulong sa mga kabataan upang maging pag-asa ng bayan. Susuportahan natin ang kaniyang adhikain at bilib ako sa kaniyang determinasyon upang tumulong. Isang inspirasyon si G. Lazo para sa mga kapatid nating mga Cagayano”, ani ni Bise Gob Vargas.
Inaasahang magsisimula muli ang pagtulong ni G. Lazo sa mga mag-aaral na agta sa nalalapit na pasukan.
Tunay ngang inspirasyon si G. Lazo hindi lamang sa grupo ng IP ngunit sa bawat Cagayano. Ang kaniyang panata ay patunay na kahit sino ay may kakayahang tumulong sa kapwa at ipakita ang kahalagahan ng edukasyon.
About Gov.ph
Contact Us
About Gov.ph