𝐒𝐏 𝐂𝐚𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐍𝐚𝐧𝐚𝐰𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐊𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐨 𝐧𝐚 𝐀𝐦𝐲𝐞𝐧𝐝𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐆𝐂 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐏𝐚𝐡𝐢𝐧𝐭𝐮𝐥𝐮𝐭𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐚

𝐒𝐏 𝐂𝐚𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐍𝐚𝐧𝐚𝐰𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐊𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐨 𝐧𝐚 𝐀𝐦𝐲𝐞𝐧𝐝𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐆𝐂 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐏𝐚𝐡𝐢𝐧𝐭𝐮𝐥𝐮𝐭𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐚

Sa Ika-12 Regular na Sesyon ng Ika-12 Sangguniang Panlalawigan, inaprubahan ang isang resolusyong nananawagan sa Kongreso na amyendahan ang Sections 59, 188, at 511 ng Local Government Code of 1991 (RA 7160) upang pahintulutan ang digital publication bilang alternatibong paraan ng pagpapalathala ng mga lokal na ordinansa.

Layunin ng hakbang na ito na mapagaan ang gastusin ng mga lokal na pamahalaan sa publikasyon at sabay na mapalawak ang access ng publiko sa impormasyon hinggil sa mga batas at patakarang ipinatutupad ng kanilang mga Local Government Unit (LGU). Ipinunto sa resolusyon na ang patuloy na paggamit ng tradisyunal na print media ay nagiging pabigat at hindi na epektibo sa panahon ng mabilis na digitalisasyon.

Batay sa certified summary of payments na inisyu ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, umabot na sa ₱2,937,660.00 ang nagastos para sa advertising at publication expenses ng Sangguniang Panlalawigan at Tanggapan ng Pangalawang Punong Lalawigan sa nakalipas na limang (5) taon. Dahil dito, naniniwala ang mga miyembro ng Sanggunian na panahon na upang pag-aralan ng Kongreso ang pagpapatupad ng reporma na magpapahintulot sa digital publication bilang isang mas praktikal, episyente, at cost-effective na paraan ng pagpapabatid ng mga ordinansa sa publiko.

Sa ilalim ng panukala, iminungkahi ang paggamit ng opisyal na digital platforms tulad ng mga website at social media accounts ng mga lokal na pamahalaan bilang alternatibong media ng publikasyon, habang patuloy na isasagawa ang pisikal na pagpo-post sa mga lugar na may limitadong koneksyon sa internet upang matiyak ang pagiging bukas, inklusibo, at transparent ng impormasyon.

Sa pamamagitan ng nasabing resolusyon, ipinapahayag ng SP Cagayan ang kanilang panawagan para sa makabagong pagbabago sa LGC. Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng pagkakaisa ng mga lokal na mambabatas sa pagsusulong ng mga repormang makatutulong sa pagpapatupad ng tapat at makabagong pamamahala para sa mga mamamayan ng Cagayan.

-AH

Contact Us

304-1900

sp_cagayan@yahoo.com
Capitol Hills, Tuguegarao City,
Philippines, 3500

About Gov.ph

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Contact Us

1544-6062

sp_cagayan@yahoo.com
Capitol, Hills, Tuguegarao City,
Philippines

About Gov.ph

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.