Noong nakaraang linggo, naglakbay si Board Member Oliver Pascual sa mga munisipyo ng Cagayan, kabilang ang Buguey, Gonzaga, at Lal-lo, upang magbigay ng iba’t ibang uri ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo at sa mga nangangailangan.
Sa ilalim ng programang “Tulong Para sa Cagayano: Rice Distribution,” dumalaw ang opisina ni BM Pascual sa Barangay Centro West at Cabaritan sa Buguey noong Agosto 14, 2024. Ang mga lugar na ito ay kabilang sa mga naapektuhan at binaha ng bagyong Carina noong nakaraang buwan. Ang programang ito ay naglalayong makatulong sa mga residenteng sinalanta ng naturang bagyo sa pamamagitan ng pamamahagi ng bigas.
Bumisita rin ang opisina ni BM Pascual sa San Juan Elementary School sa bayan ng Lal-lo, kung saan nagbigay ng mga school supplies sa mga mag-aaral. Ang hakbang na ito ay bahagi ng layunin ng opisina na matulungan ang mga batang nangangailangan ng materyales pang-edukasyon sa kanilang pagbabalik-eskwela.
Higit pa rito, nagtungo ang opisina ni BM Pascual sa Bayan ng Gonzaga upang kamustahin ang kalagayan ng mga mangingisda sa Barangay Caroan. Bilang suporta, namahagi sila ng mga long-sleeves sa mga mangingisda upang protektahan sila mula sa matinding sikat ng araw habang nasa laot.
“Nawa’y magpatuloy ang mga pagkakataon na makapagbigay tayo ng tulong sa ating mga kababayan na higit na nangangailangan. Hangad natin na masolusyunan ang bawat suliranin ng mga Cagayano at matulungan sila sa kanilang mga pangangailangan. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nakikipag-ugnayan sa ating opisina upang maisakatuparan ang bawat proyekto. Diyos to Agngina!” ani ni BM Pascual.
About Gov.ph
Contact Us
About Gov.ph