Board Member Oliver Pascual, pinangunahan ang distribusyon ng Educational Assistance sa higit 150 na College Students na mula sa iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan ng Cagayan.
Ang nasabing distribusyon ay naisakatuparan sa tulong ng opisina ni 2nd District Congresswoman Baby Aline Alfonso- Vargas at ng Department of Social Welfare and Development Region 02 (DSWD) na may layuning matulungan ang mga mag-aaral ng Cagayan na kapos sa pinansyal na aspeto upang makapag-aral.
“Bilang isang ama, masaya tayong makita ang galak at pasasalamat mula sa ating mga benepisiyaryo. Kaakibat ng kaunting tulong na ito, ay ang ating dasal na nawa’y lahat ng mga estudyanteng ito ay makapagtapos sa kolehiyo. Edukasyon pa rin, ang solusyon”, ani ni BM Pascual sa mga estudyanteng nakatanggap ng Educational Assistance.
“Lubos po tayong nagpapasalamat kay Congresswoman Baby Alin Alfonso-Vargas sa kanyang pagbibigay ng oportunidad sa ating opisina na makapili ng mga scholars; sa DSWD, SWAD Cagayan team sa programang ito para sa mga estudyante; at kay Vice Governor Melvin “Boy” Vargas, Jr. sa walang sawang suporta”, dagdag niya.
Taos puso ding nagpapasalamat si BM Pascual sa mainit na pagtanggap ng Local Government Unit ng Lal-lo, Cagayan, sa pangunguna ni Mayor Florante “Anteng” Pascual at Vice Mayor Olive Pascual sa naganap na distribution ng nasabing educational assistance sa kanilang lugar.
#BosesNgMasa
About Gov.ph
Contact Us
About Gov.ph