TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN – Sa Commissary Hall ng Provincial Capitol of Cagayan, isang makabuluhang programa ang naganap kung saan mahigit 300 mag-aaral mula sa Primera Distrito ng Cagayan ang tumanggap ng Php 7,000.00 na halaga ng educational assistance.
Ang naturang ayuda ay bahagi ng Scholarship Grant na ini-sponsoran ni BM Kamille Concepcion Ponce – Perez, isa sa mga board member mula sa unang distrito ng Cagayan. Ayon kay BM Ponce, layunin ng programa na hindi lamang mapagaan ang pinansiyal na pasanin ng mga estudyante at kanilang pamilya, kundi pati na rin magbigay ng mas magandang oportunidad para sa katuparan ng kanilang mga pangarap at pangangailangan sa pag-aaral.
“Ang bawat pisong ipinagkakaloob natin ngayon ay isang pamumuhunan sa hinaharap ng ating mga mag-aaral. Nais naming tiyakin na ang bawat isa sa kanila ay may sapat na suporta upang magtagumpay sa kanilang pag-aaral,” pahayag ni BM Ponce sa kanyang talumpati sa seremonya.
Ang seremonya ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon at ang papel ng bawat sektor ng lipunan sa pagtataguyod ng kaalaman at kasanayan sa mga kabataan. Sa kabila ng mga hamon sa edukasyon, ang pamahalaang panlalawigan ay patuloy na nagsusulong ng mga programang makakatulong sa mga mag-aaral, lalo na sa mga mas nangangailangan. Ang scholarship grant na ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa buong Cagayan.
About Gov.ph
Contact Us
About Gov.ph