TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN – Kasabay ang pagdiriwang ng Women’s Month ay namahagi ng bigas para sa mga kababaihan sa Unang Distrito ng Cagayan ang opisina ng ating Bisig ng Mamayan, BM Kamille Concepcion Ponce – Perez. Ang hakbang na ito ay nagsisilbing pagkilala sa kagitingan at mahalagang kontribusyon ng mga kababaihan para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lalawigan.
“Ang pamamahagi ng bigas ay hindi lamang isang simbolo ng suporta kundi isang paalala ng ating pangako sa pagkilala at pagpapahalaga sa mga kapwa natin kababaihan,” ayon kay BM Kamille Ponce. “Tayo ay sama-samang magtulungan upang tiyakin ang inklusibo at partisipatibong gobyerno para sa lahat.”
Ang pagdiriwang ng Women’s Month sa pamamagitan ng pamamahagi ng bigas ay isang konkretong hakbang patungo sa mas inklusibong pag-unlad at pagkilala sa papel ng kababaihan. Ang lokal na pamahalaan ng Cagayan ay patuloy na magsusulong ng mga programang makakatulong sa pag-unlad ng lahat ng sektor ng lipunan, lalo na sa mga kababaihan, upang makamit ang mas maliwanag at mas matagumpay na hinaharap.
About Gov.ph
Contact Us
About Gov.ph