Isinagawa ng Committee on Trade, Commerce, Industry, Franchise and Accreditation ng Sangguniang Panlalawigan ng Cagayan, sa pangunguna ni Board Member Jean Alphonse Ponce, katuwang sina Vice Chair BM Romar De Asis at BM Leonides Fausto, Jr., ang pagdinig hinggil sa ordinansa ng Tuguegarao City na naglalayong pahintulutan ang pansamantalang paggamit ng lumang pamilihang bayan na katabi ng bagong market facility.
Layunin ng ordinansa na suspindihin muna ang pagkolekta ng karaniwang market fees at sa halip ay magpatupad ng koleksyon ng “arkabala” para sa mga vendor na inilipat mula sa Macapagal Avenue matapos ang isinagawang clearing operations ng lungsod. Dumalo sa pagdinig si Tuguegarao City Councilor Tirso Mangada upang magbigay-linaw sa mga probisyon ng panukala, at si Atty. Mary Jane Sabio ng Provincial Legal Office upang ipaliwanag ang mga legal na aspekto ng nasabing ordinansa.
Buong suporta ang ipinahayag ng komite sa layunin ng ordinansa at nirekomenda ang ilang klaripikasyon upang matiyak ang maayos na pagpapatupad nito. Itinuturing ang inisyatibong ito bilang isang hakbang tungo sa pagbibigay-tulong sa mga apektadong mangangalakal at sa patuloy na pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan, lalo na ng mga naghahanap-buhay sa Lungsod ng Tuguegarao.
-AH
About Gov.ph
Contact Us
About Gov.ph