LINGAP KAIBIGAN, ANGAT CAGAYAN CARAVAN, MATAGUMPAY NA INILUNSAD SA LUNGSOD NG TUGUEGARAO

LINGAP KAIBIGAN, ANGAT CAGAYAN CARAVAN, MATAGUMPAY NA INILUNSAD SA LUNGSOD NG TUGUEGARAO

Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Bise Gobernador, Hon. Melvin “Boy” Vargas, Jr. ay matagumpay na nailunsad ng Vice Governor’s Office at Sangguniang Panlalawigan ng Cagayan ang regular na programa nitong LINGAP KAIBIGAN, ANGAT CAGAYAN CARAVAN na naganap kahapon, Hunyo 07, 2023, sa Barangay Gymnasium ng Linao Norte, Tuguegarao City.

Ramdam ang mainit na pagtanggap ng mga residente ng Barangay Linao Norte sa tanggapan ni Bise Gob. Boy Vargas at SP Cagayan kasama sina Hon. Board Member Rosauro Rodrigo G. Resuello, Hon. Board Member Leonides Fausto at Hon. Board Member Randy Ursulum sa pangunguna ng kanilang mga Barangay Officials na pinamumunuan ng kanilang punong barangay na si Hon. Reynaldo Narag.

Layunin ng programa na ilapit sa mga residente ng Cagayan ang mga pangunahing serbisyo ng Gobyerno tulad ng Dental, Optical at Medical Mission, legal consultations at notarial services at mga programa ng SSS, PHILHEALTH, PAG-IBIG Fund, OWWA, DA at iba pa, upang magbigay tulong para sa mga mamamayan na higit na nangangailangan.

Maliban sa programang LINGAP ay naghatid din ng saya ang mga ilang residente ng Linao Norte partikular na ang mga grupo ng Day Care Pupils, mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) at mga Solo Parents ng barangay bilang pagbati nila kay Bise Gob sa kaniyang kaarawan.

Ani ni Bise Gob, “Ako’y lubos na nagagalak na nagkaroon po tayo ng pagkakataon na ipagdiwang ang aking kaarawan kasama kayo kasabay nang paglunsad ng ating programang LINGAP KAIBIGAN, ANGAT CAGAYAN CARAVAN. Tayo po ay patuloy na magaabot ng serbisyo para sa ating mga kababayan lalo na sa mga lubos na nangangailangan. Makakaasa po kayo na hindi tayo titigil sa panglilingkod sa bawat Cagayano bilang tungkuling ating ginagampanan bilang pangalawang ama ng Cagayan”.

Nais ding pasalamatan ng Bise Gob. ang mga iba’t-ibang ahensya ng Gobyerno kasama ang mga lokal na opisyales at mga kapulisan na dumalo na walang sawang sumusuporta sa mga adhikain ng pamahalaang panlalawigan

Contact Us

304-1900

sp_cagayan@yahoo.com
Capitol Hills, Tuguegarao City,
Philippines, 3500

About Gov.ph

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Contact Us

1544-6062

sp_cagayan@yahoo.com
Capitol, Hills, Tuguegarao City,
Philippines

About Gov.ph

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.