Iguig, Cagayan – Sa layuning bigyang halaga ang kalusugan ng mga senior citizen, nagsagawa ng isang medical mission ang opisina ni Bise- Gob Melvin “Boy” Vargas, Jr. para sa mga nakatatandang residente ng bayan ng Iguig, Cagayan.
“Nagalak akong makita at makumusta ang ating mga kaibigang senior citizen,” ani Bise-Gob Vargas. “Nagpapasalamat ako sa inyong mainit na pagtanggap, lalo na sa mga barangay officials ng Iguig na pinangungunahan ni Mayor Ferdinand Trinidad, mga miyembro ng Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Vice Mayor Juditas Trinidad, at mga kapitan ng barangay sa kanilang suporta sa ating mga programa.”
Ang medical mission ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na maghatid ng mga serbisyong pangkalusugan at iba pang tulong sa mga mamamayan ng Cagayan. Layunin nito na mapabuti ang kalagayan ng mga senior citizen at masiguro ang kanilang kalusugan at kagalingan.
“Patuloy tayong maghahatid ng serbisyo para sa ikauunlad at ikabubuti ng bawat kaibigang Cagayano,” dagdag ni Bise-Gob Vargas.
Ang aktibidad ay patunay ng malasakit ng mga lokal na opisyal sa kanilang mga nasasakupan at pagpapakita ng tunay na serbisyo publiko para sa ikabubuti ng bawat isa.
About Gov.ph
Contact Us
About Gov.ph