Namahagi ng School Supplies kabilang ang ballpen, papel at mga bondpaper si Ex-Officio Board Member Christian Ursua sa mga mag-aaral ng Camalaniugan National High School (CNHS) sa bayan ng Camalaniugan, Cagayan nitong Hunyo 9, 2023.
Ang pamimigay ng mga school supplies ay bahagi ng programang pang-edukasyon ni BM Ursua para sa mga kabataan ng Cagayan. Ito rin ay parte ng maigting na pagsuporta niya sa mga programa ng Sangguniang Kabataan ng probinsiya na naglalayong masuportahana at matulungan ang pag-aaral ng mga kabataan.
Masaya itong tinanggap ng mga opisyales ng Supreme Student Secondary Learners Government (SSLG) sa pangunguna ni Bb. Charlene Jade Samantha Foronda, presidente ng naturang organisasyon.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga guro ng CNHS sa pangunguna ni Gng. Patricia Cortez sa mga natanggap na gamit ng kanilang mga mag-aaral na makatutulong sa kanilang pag-aaral.
Kaugnay nito, nakatakda ring puntahan pa ni BM Ursua ang iba’t-ibang paaralan sa probinsiya upang maghatid at mamahagi ng mga school supplies para sa mga kabataan.
About Gov.ph
Contact Us
About Gov.ph