Noong Martes, ika-16 ng Hulyo, taong kasalukuyan, namahagi si 3rd District Board Member Rodrigo C. De Asis ng tig-5 kilong bigas sa mga benepisyaryo sa ikatlong distrito ng Cagayan. Ang pamamahagi ay bahagi ng mga proyekto at programa ni Board Member De Asis mula sa pondo ng Development Assistance to LGUs para sa ikatlong distrito.
Ilan sa mga barangay na nakatanggap ng tig-5 kilong bigas ay ang mga barangay ng Sampaguita, Nabotuan, Bantay, Pataya, at Parug-Parog sa bayan ng Solana, Cagayan. Maliban sa pamamahagi ng bigas, patuloy rin si Board Member De Asis sa pagdalo ng iba’t ibang aktibidad ng mga ahensya at pagbisita sa mga baryo ng bawat munisipalidad sa ikatlong distrito. Ang mga pagbisita ay bahagi ng isang linggong accomplishment ng butihing Board Member.
Ang layunin ng mga pagbisita ni Board Member Rodrigo C. De Asis ay upang personal na makita ang sitwasyon ng mga mamamayan at makapagbigay ng agarang tulong sa mga nangangailangan.
Samantala, taus-pusong nagpapasalamat si Board Member Rodrigo De Asis sa lahat ng mga mamamayan, hindi lamang sa ikatlong distrito ng Cagayan kundi sa buong probinsya, sa kanilang patuloy na pagtitiwala at pagsuporta sa lahat ng mga proyekto at programa na ipinatutupad sa pangunguna ng butihing Gobernador Manuel N. Mamba para sa patuloy na pag-unlad ng probinsya ng Cagayan.
About Gov.ph
Contact Us
About Gov.ph