Inaprubahan na ng 11th Sanggunian ng Cagayan ang isang ordinansa na naglalayong itaas ang honorarium ng mga Barangay Foot Soldiers sa lalawigan. Ang ordinansang ito ay inihain at isinulong ng ating Kagalang-galang na Bise Gobernador Melvin “Boy” Vargas, Jr., na sinang-ayunan din ng lahat ng miyembro ng Provincial Board, sa katatapos na ika-102 na Regular Session, Agosto 14, 2024.
Ang ordinansang ito ay isang amiyenda sa naunang Provincial Ordinance No. 2021-10-008 na naunang naisalang sa plenaryo noong Mayo 2021. Layunin ng nasabing amiyenda na bigyan ng karampatang benepisyo at pagkilala ang mga Barangay Foot Soldiers na nagsisilbing unang hanay ng depensa at seguridad sa kani-kanilang mga komunidad.
Ayon kay Bise Gob. Vargas, ang pagtaas ng honorarium ay isang paraan upang kilalanin ang sakripisyo at pagsusumikap ng mga Barangay Foot Soldiers sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan. Sinuportahan din ito ng iba pang miyembro ng Sanggunian, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng sapat na kompensasyon para sa mga nagsisilbi sa komunidad.
Inaasahan na magbibigay ito ng mas malaking insentibo sa mga Barangay Foot Soldiers upang patuloy na maglingkod nang may dedikasyon at katapatan.
About Gov.ph
Contact Us
About Gov.ph