Sangguniang Panlalawigan ng Cagayan, Nagpasa ng Ordinansa para Mapanatili ang Malaria-Free Status ng Lalawigan

Sangguniang Panlalawigan ng Cagayan, Nagpasa ng Ordinansa para Mapanatili ang Malaria-Free Status ng Lalawigan

Isang mahalagang hakbang sa larangan ng pampublikong kalusugan ang ginawa ng Sangguniang Panlalawigan ng Cagayan matapos nitong aprubahan ang “Ordinance Sustaining the Malaria-Free Status and Prevention of the Re-Introduction of Malaria in the Province of Cagayan.”

Ang nasabing ordinansa ay iniakda nina Board Members Kamille Ponce-Perez, Rowena Retoma at Maria Rosario Soriano. Layunin nitong tiyakin na mananatiling malaria-free ang buong lalawigan sa pamamagitan ng patuloy na surveillance, preventive programs, at mahigpit na pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) at mga lokal na yunit ng pamahalaan.

Sa ilalim ng ordinansa, ipatutupad ang mga regular na inspeksyon, health education campaigns, vector control, at monitoring ng mga residente at manggagawang nagmumula sa mga lugar na may kaso ng malaria. Itinatakda rin nito ang paglalaan ng pondo at pagsasagawa ng training sa mga health personnel upang mapanatili ang kahandaan ng lalawigan laban sa posibleng pagbalik ng sakit.

Matatandaang idineklara ng Department of Health (DOH) ang Cagayan bilang malaria-free province noon December 10, 2024 matapos ang ilang taong walang naitalang kaso ng sakit. Gayunman, naniniwala ang mga opisyal ng lalawigan na mahalagang panatilihin ang mataas na antas ng pagbabantay, lalo na sa mga bayan na dating tinukoy bilang malaria-prone areas.

Sa pamamagitan ng bagong ordinansa, ipinapakita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang patuloy nitong pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan, bilang bahagi ng mas malawak na adbokasiya tungo sa isang malusog, ligtas, at produktibong komunidad.

-AH

Contact Us

304-1900

sp_cagayan@yahoo.com
Capitol Hills, Tuguegarao City,
Philippines, 3500

About Gov.ph

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Contact Us

1544-6062

sp_cagayan@yahoo.com
Capitol, Hills, Tuguegarao City,
Philippines

About Gov.ph

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.