SP, Nagsagawa ng Joint Committee Hearing ukol sa Ordinansa sa Pagbuo ng Konseho ng Nakatatanda sa Allacapan

SP, Nagsagawa ng Joint Committee Hearing ukol sa Ordinansa sa Pagbuo ng Konseho ng Nakatatanda sa Allacapan

Nagsagawa ng isang joint committee hearing ang Sangguniang Panlalawigan hinggil sa panukalang ordinansa ng Bayan ng Allacapan na naglalayong bumuo ng isang Municipal Council for the Elderly.

Pinangunahan ito ng Committee on Elderly, Youth, and Sports Development na pinamumunuan ni Ex-Officio Board Member Hon. Rey Jirowell Alameda, kasama ang Vice Chair Hon. Kevin Timbas, katuwang ang Committee on Laws, Ordinances, Revisions and Legal Matters na pinamumunuan naman ni Hon. Engelbert Caronan, kasama ang Vice Chair Hon. Romeo Garcia at miyembro Hon. Vilmer Viloria.

Tinalakay sa pagdinig ang panukalang may pamagat na β€œAn Ordinance Establishing a Municipal Council for the Elderly of this Municipality, Providing for Its Composition, Duties and Functions and for Other Purposes.” Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Provincial Legal Office, National Commission of Senior Citizens – Region 2, at Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP) – Allacapan Chapter. Ang kanilang partisipasyon ay nagpatibay sa layuning magsanib-puwersa ang lokal at pambansang pamahalaan upang higit na kilalanin ang kontribusyon ng mga nakatatanda at isulong ang kanilang kapakanan.

Layon ng naturang panukala na maitatag ang isang Municipal Council for the Elderly upang matiyak na ang mga nakatatanda ay magkakaroon ng boses at aktibong partisipasyon sa pamahalaang lokal. Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapapalakas ang kanilang ambag sa pag-unlad ng komunidad at masisiguro ang kanilang karapatan at proteksyon.

-AH

Contact Us

304-1900

sp_cagayan@yahoo.com
Capitol Hills, Tuguegarao City,
Philippines, 3500

About Gov.ph

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Contact Us

1544-6062

sp_cagayan@yahoo.com
Capitol, Hills, Tuguegarao City,
Philippines

About Gov.ph

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.