Sinimulan ang pagpapatupad ng programang pangkalusugan ni Board Member Jirowel Alameda na bahagi ng Local Youth Development Plan 2024-2026 ng Cagayan, ang “Healthier We Go Project” na naglalayong isulong ang malusog na pamayanan para sa mga Kabataan, nito lamang Hulyo 12, 2024.
Sa pagsisimula ng proyekto, isinagawa ang isang feeding program, awareness session, at Body Mass Index (BMI) assessment. Katuwang ni BM Alameda sa aktibidad ang mga organisasyong I-SAVED at We Volunteer PH.
Sa kabuuan, mahigit 100 residente, kabilang ang mga bata at matatanda ng Purok 5, Centro Southeast, Solana, ang nakinabang sa nasabing programa.
Nagpaabot ng pasasalamat si BM Alameda kay Barangay Captain George Sedano, SK Chairman Vanness Kyle Lobo, at iba pang opisyal ng barangay sa kanilang suporta sa programa.
Plano rin ni Board Member Alameda na bisitahin ang iba’t-ibang bayan sa lalawigan upang maipatupad ang programang pangkalusugan para sa mga kabataan ng Cagayan.
About Gov.ph
Contact Us
About Gov.ph