Sta. Ana, Cagayan – Sa ilalim ng programang “Tulong Para sa Cagayano: Rice Distribution,” nagtungo kamakailan si Board Member Oliver Pascual, kasama ang kanyang mga staff mula sa Sanggunian Panlalawigan ng Cagayan sa Sitio Pananacpan, Barangay Patunungan, at Barangay Nangaramoan sa Sta. Ana, Cagayan upang maghatid ng tulong.
Namahagi sila ng mga bigas sa mga komunidad ng Aeta sa nasabing mga lugar, isang hakbang upang tugunan ang kanilang pangangailangan sa pagkain. Bukod dito, nag-iwan din sila ng mga tsaleko para sa mga Barangay Tanod ng Patunungan bilang suporta sa kanilang tungkulin.
Ayon kay Board Member Pascual, “Ang Patunungan ay isang liblib na lugar sa Sta. Ana. Kung kaya minarapat nating sila ay personal na bisitahin upang mas malaman ang kanilang mga pangangailangan at suliranin. Sila ang ating mga kababayan na malimit nating makita sa ating mga opisina dahil sila ay nasa malalayong lugar.”
Dagdag pa niya, “Nawa’y mabigyan pa tayo ng marami pang pagkakataon na makapunta sa mga ganitong lugar, nang maramdaman nila ang serbisyo mula sa ating gobyerno.”
Ang programang “Tulong Para sa Cagayano: Rice Distribution” ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba upang maabot at matulungan ang mga komunidad sa malalayong lugar, lalo na ang mga katutubong grupo, na madalas ay hindi naaabot ng mga serbisyo ng gobyerno.
About Gov.ph
Contact Us
About Gov.ph